Pangongopya at Bukangliwayway (maikling kwento)
Ni: Clarice
Kumukuha ka ng pagsusulit sa Filipino 1A o Sining ng Pakikipagtalastasan nang biglang lumabas ang iyong dalubguro upang pansamantalang aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga naggagandahang mag-aaral sa labas ng inyong salid-aralan.
Sinamantala mo ang pagkakataong ito at dahan-dahang inilabas mo ang panyo na kanina mo pa nais ilabas subalit hadlang na maituturing ang dalub-guro. Unti-unti mong binuklat ang itong panyo… sinilip ito at agad na sinagutan ang pagsusulit.
Ilang sandali pa ang nakalipas, nang walang anu-ano’y may narinig kang papalapit na yabag ng sapatos… dahan-dahan mong tiniklop ang panyo at unti-unti na ring tumulo ang iyong pawis.
Nagpatuloy ka sa pagsagot ng iyong pagsusulit habang ang iyong dalubguro ay marahang nakamatyag sa iyo. Nang natapos na ang lahat at naipasa na angmga papel ay pinalabas na ng iyong dalubguro ang iyong mga kamag-aral samantalang ikaw ay ay kanyang tinawag at kanyang kinausap. Habang tangan ng iyong dalubguro ang iyong papel, “Magaling! Nasagutan mo’ng lahat ng mga katanungan. Mukahang nag-aral ka ng mabuti, hah?”, sabi ng iyong guro, samantalang ikaw ay nananatiling tahimik at ang pawis sa iyong noo ay walang tigil sa pagtulo. “Batid nating dlaw ana nag anumang pandaraya sa pagsusulit ay isang ‘Major Offense’ at may kaukulang parusa.”, anang iyong guro. “At ang pagsisinungaling man ay isang krimen sa mata ng tao at ng Diyos.”, dagdag pa niya. “Ngayon, tumingin ka nang diretso sa aking mga mata at sabihin mong matapat mong sinagutan ang iyong pagsusulit.” Dahan-dahan mong iniangat ang iyong ulo at kapuna-puna ang tubig na umaagos sa iyong mga mata. “patawarin niyo po ako, hindi kop o sinasadyang gawin iyon. Nais ko lamang po talagang pumasa sa pagsusulit na ito upang mabawi ang bumaagsak kong marka.”, tugon mo habang umiiyak. “sumama ka sa akin sa Dean’s Office at doon na natin pag-usapan ito sa harapan ng Dean.” At tuluyan nang lumabas ng silid-aralan ang iyong dalubguro tangan-tangan ang mga papel niyo ng iyong mga kamag-aaral.
Sa loob ng Dean’s Office ay naroroon ang Dean at ang iyong dalubguro na naghihintay sa pagdating mo. Pagkatapos ng pag-uusap ay napagkasunduan na bagsak ang iyong makukuha sa naturang pagsusulit, at sumulat ka ng ‘promissory note’ na humihingi ng tawad at nangangakong hindi mo na uulitin ang naturang pandaraya. Hinayaan ka nang makaalis samantalang ang iyong dalubguro at ang Dean ay nanatili at ipinagpatuloy ang pag-uusap. “paanong nangyaring nagawa ng estudyanteng iyon ang mandaya samantalang naroon ka upang bantayan sila at nang maiwasan ang ganoong pangyayari?” , muling pagsisismula ng Dean. Ang iyong dalubgurong ‘di malaman ang isasagot ay napayuko sa sobrang kahihiyan. Namayani ang sandaling katahimikan nang muling biglang magsalita ang Dean, “isa kang pinagkakatiwalaang guro dito, at kung hindi mo magagampanan nang mabuti ang iyong trabaho ay mapipilitan kaming tanggalan ka ng karapatang magturo dito.” , at bilang kaparusahan ay pinagsulat din ng ‘promissory note’ ang iyong dalubguro na naglalaman ng pagpapaumanhin at pangakong ‘di na muling mauulit ang naganp na insidente dahil kung hindi ay tatanggalan na siya ng trabaho.
Makalipas ang tatlong linggo ay inilunsad ng Student’s Council ang proyektong naglalayong labanan ang ‘plagiarism’ at pangongopya o anumang uri ng pandaraya. Bilang patunay na kayong dalawa ng iyong dalubguro ay nagsisisi na sa nagawang kasalanan at tuluyan na ngang nagbago, pinangunahan ninyo ang proyektong ito kasama ng iba pang mga miyembro ng ‘student council’. Mula noon ay nakilala kayo sa buong paaralan bilang mga tagapagtaguyod ng katapatan at tagapagsugpo ng pandaraya at kasinungalingan.
No comments:
Post a Comment